Biyernes, Nobyembre 4, 2016

buod

Si Binibining Yeyeng ay isang dalagang punong-puno ng kolorete sa kanyang mukha. Sabi nila, ipinanganak ang kanyang magulang sa isang sulok ng Pampanga, sa pinakamaliliit na bayan nito. Dahil dito, ay purong Pilipina si Binibining Yeyeng mula, ulo hanggang paa, kahit sa dulo ng kanyang buhok ay kapampanagn siya.

Sila ay mahirap lang kaya tanging pagtitinda lang ang kanilang ikinabubuhay. Pagtitinda ng sunog na ginatan o kaya'y bitso-bitsong nilalako niya sa mga sugalan. Nagdalagang walang pagbabago sa buhay nitong binibini.

Nang natahimik ang rebolusyon. Nagbukas ng paaralan ang pamahalaang militar ng Amerika at nahirang ang ilang kawal na magturo doon. Si binibining Yeyeng ,Yeyeng pa noon at walang Bininini . Sa kanilang pag-uusap, nag-iingles ang Amerikano at nagkakapampangan si Binnnibining Yeyeng, Kayaya napilitan siyang mag-aral.

Pagkaraan ng ilang araw nagsasalita na ng Ingles si Binibining Yeyeng. Sa paglipas ng ilang buwan , sa amuki ng gurong-kawal ay pinahatid siya sa isang bayan at doo'y pinagturo siya. Nang nagtuturo na doon, lubos na humanga ang mga taong- bayan sa kanaya. nakita nila na mas marunong siya ng Ingles kaysa sa kanila.

Sa paglipas ng panahon, Si binibining Yeyeng ay hindi na marunong magsalita ng Kapampangan dahil sa nakalimutan na raw niya. Sinabi niyang matigas daw ang Kapampangan at nababaluktot ang kanyang dila, kaya kailanman ay hindi na siya makapagsalita nito ng tuwid, at nauutal na siya.

Nagkalabitanang mga kaalaman na nakikilala sa kanya pagkarinig nito. Pinalitan tuloy ang kanyang pangalan at pinangalanan siya ng matunog na umaalingasaw na "Binibining Phathupats," pangalang hango sa malapad niyang balakang na pilit iniipit sa pahang mahigpit ang balot.

Simula noon, ang pangalang napabansag sa kanya at nakalimutan nilang tuluyan ang Yeyeng, ang malambing niyang palayaw. Binibining Phathupats ang naging palasak.

Hindi nagtagal ay lumabas ang "Ing Emangabiran," pahayagang kapampangan sa Bacolor. May isang pista o "velda" sda bayan na dinaluhan si Binibining Phathupats, may nagbabasa nito. Lumapit siya ngunit nang makita niya na Kapampangan ang binabasa ,lumabi ng kaunti at napailing siya.

Napatingin ang lahat ng  nasa umpukan; ngunit kaagad nilang inilingaw ang usapan upang hindi mahalata ng magandang binibini, dahil may pinag- aralan ang lahat.Kahkit alam na parang tinutukso na siya ay nagpatuloy pa rin siya sa kanyang sinasabi.

Hirap na hirap sa pagbigkas ang Binibini sa Kapampangan loalo na kung ito'y binabasa. Sa ilang salitang binigkas niya, naghalo ang lahat ng iba't ibang wika ng talasalitaang itinitnda, o ang ibig niyamg sabihin,ang mababang Ingles,Kastila at Tagalog. Hindi na nakapagpigil ang mga nakarinig at napatawa sila ng malakas.

Lalong lumakas ang halakhak ng mga nakikinig at nag-init ang pakiramdam ni Binibining Phathupats.Sinabi nila na hindi dapat magtaka kung hindi na marunong ng Kapampangan si Binibining Phathupats. Una, dahil matagal na siyang nakisama sa mga kawal na Amerikano. Pangalawa, hindi na siya Kapampangan. Sa katunayan, Binibining Phathupats na ang kanyang pangalan.

At doon ay sumabog ang bulkan. Putok na ubod ng lakas, sumabog ang kaldereta ni Binibining Phathupats at mula sa bunganga niyang naglalaway ay lumabas ang lagablab ng vesubio. Ang lahat ng maruruming salita sa Kapampangan ay biglang pinagsama-sama sa baunganga niyang nag-aapoy.

Napaiyak si Binibing Phathupats , at nang kanyang punasan ang kanyang tumutulong luha ay sumama ang kanyang makapal na pulbos sa pisngi. Lumitaw ang likas niyang kulay, maitim na parang sa duhat. Nang makita ng mga manonood, lalo silang napatawa at sinabing:

"Aba! Maitim pala siya! Amerikanong egra!"

Sigawan, palakpakan,halakhakan ang narinig noo. Hindi na nakatiis si Binibining Phathupats. Nagkandarapa sa paglabas sa daan at sabi niya:

"Mi no vuelveen esta casa."
"Paalam, binibining hindi marunong ng Kapampangan. Paalam, Binibining Alice Roosevelt! Paalam, Binibining Phathupats!"
Ganyan siya pinagtulung-tulungan, at ang kawawang Yeyeng ay umalis na bubulung-bulong, bahag ang buntot.

Sa panahon ngayon napakaramingBinibing Phathupats. Hindi na sila marunong ng Kapampanagn, o ikinahihiya na nila ang Kapampangan dahil nakapagsasalita na sila ng Ingles na tsampurado.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento